Sa sobrang pagod, nakakalimutan namin yung steps. Hanggang nung 1 day na lang before nung audition, nirevise na lang namin since may trabaho na yung friend niya and hindi siya available that day. Edi okay na. Nung day ng audition, sobrang daming tao. Gusto ko na talaga magback out! Grabe lang. Di ko talaga kaya. Alam kong makakalimutan ko lahat ng steps. Okay lang sana kung judges lang eh. Besides almost 3 days lang yung preparation namin so posibleng ma mental block talaga.
Habang kabado, nanuod kami ng mga nagpeperform. Sobrang lakas ng pressure samin kasi syempre naiisip din namin na kung magpapatalo ba kami sa fear namin? or ano na lang iisipin ng ibang tao? na loser kami? NO WAY! HAHA. So hinintay namin na mabawasan yung crowd hanggang ayun na. Andun na kami sa stage. Since wala kaming sound system, yung cellphone ko yung ginamit namin. Nakakatawa lang, habang nagsasayaw kami, biglang tumawag ate ko, pinapauwi na ko! Haha. Tawa ng tawa yung audience.
Sabi nung nag cocontrol ng sounds, cellphone na lang daw niya yung gagamitin. 2nd time na namin sumayaw, nanginginig ako sa hiya pero inisip ko na lang na kaya ko! kaya ko! hanggang sa tapos na! Atleast na prove ko sa sarili ko na kaya ko at na overcome ko yung fear ko! ;)
No comments:
Post a Comment